"Anong oras ang alis mo?" tanong ko sa nakatatandang kapatid ko na kabababa lang ng hagdan at ngayon ay papunta na sa aking gawi. Umupo ito sa tabi ko. "Mamayang alas dyis na ang flight ko, nakahanda na ang lahat ng gamit ko," sagot nito ng may ngiti sa mga labi. Tinignan ko ang oras sa relo at alas otso pa lamang ng umaga pero nakagayak na ito. Tumango ako saka itinuon na ang paningin ko sa TV. Nanonood ako ng mga balita. "Mag-iingat ka ate at balitaan mo ako ha," Bahagya pa akong nagulat dahil sa biglang pagyakap nito sa braso ko at inihilig pa ang kanyang ulo sa balikat ko. "Hmmm, ang sweet naman ng little sister ko! Oo mag iingat ako, kaylangan lang talaga ako ni Daddy sa company natin doon. Babalik din ako agad. Ikaw ang mag-iingat, magpasama ka kay bunso sa pagtulog para may gigising sayo." Siya kasi ang katabi ko at gumigising sa akin sa tuwing nahihirapan akong magising sa bungungot. "Hindi na ate, para masanay akong mag-isa at isa pa, kaya ko namang ikontrol," pagdadahilan ko na lamang sakanya. Nagulat nanaman ako dahil bigla syang umatras at nang tignan ko ay masama na ang tingin nito sa akin. "Anong kaya mong ikontrol! No! Magpapasama ka kay Zyron!" pang bubulyaw ng ate ko sakin. Eto nanaman sya at pinaiiral ang pagiging ate. "Pero, kelan pa ako matututong mag-isa kung hindi ko na sasanayin ang sarili ko. No need, I can manage and I will. Don't worry," Bahagyang lumaki naman ang mata nito na para bang masama ang mga sinabi ko. Binigyan ko lang sya ng blangkong mukha. "Okay. If you say so but don't lock your doors. Ako na bahalang kakausap sa kapatid natin. Mauna na muna ako." Ngumiti nalang ako ng maikli kay ate at umalis sya sa tabi ko. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at patuloy na nanood ng balita hanggang sa tuluyan akong naka-idlip. ... Pagbaba ni ate sa hagdan ay dala na nito ang kanyang maleta. Aalis ito papuntang America dahil kailangan daw sya ni Daddy. Alam ko namang sinasanay na sya nito sa pamamalakad dahil magtatapos na ito ng kolehiyo sa kursong Business Administration habang ako naman ay nasa Second Year High School at ang bunso naman ay nasa Grade 6 Elementary. "Zinnia anak, ihahatid kana namin ng mga kapatid mo," Bungad ni Mom galing ng kusina. "Okay mom, si Zyron na muna ang katabi ni Zein. Tatlong linggo lang naman ako don," sagot nito kay mommy habang naglalakad kami palabas. "No, I don't want," pananabat naman ng bunso naming lalaki. "Ate Zein is too old para bantayan ko pa," dagdag nito na kinagulat namin. Nagtawanan na lamang kami sa inakto niya. Nakasakay na kami sa kotse at panay naman ang paalala ni Mommy kay ate Zinnia. Habang ako ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Nang makababa kami ay panay parin ang paalala ni Mommy sakanya. "Anak, call me pagkababa mo. Update me kung ano ang mga mangyayari okay? Susunod na lang ako don after two weeks. May aasikasuhin pa ako rito. Don't forget to eat. Ang payat-payat mo," Natatawa nalang kami dahil sa paulit-ulit na paalala nya. "Mom! I'm not payat. I'm sexy, you know," sabi ni ate at talaga namang nag pose pa ito. Natawa naman kami sa inakto niya. "Don't worry, I'm a big girl na." patuloy nito. Humalik na sya amin at yumakap. Naglakad na ito papalayo at humarap para lang kumaway ulet. Pag-uwi namin ay nagbukas ako ng TV at sakto namang balita ang bumungad dito. "Marami ang nasawi sa pagliyab ng eroplano ngayon-ngayon lang dito sa NAIA airport sakay ang mga pasahero na papunta ng U.S.A. Makikita sa aking likuran ang hindi pa man nakaka-alis na eroplano ngunit bigla na lamang itong lumiyab sa hindi inaasahang pangyayari. Kasalukuyan namang nirerescue ang iba pang mga pasahero at nakalulungkot na marami dito ang nasawi. Iimbestigahan naman kung ano ang dahilan sa insidenteng ito at sino-sino ang mga nasawi. Nicolette Reyes naguulat." Tumindig ang mga balahibo ko sa aking katawan, bahagyang lumaki ang aking mga mata habang bumabagsak ang aking mga luha. Tulala ako at hindi makagalaw sa aking kinauupuan. Hindi gumagana ang aking utak sa aking mga narinig. Hindi maaari. Hindi maaari. Hindi maaari!!!!! ... "Zein! Wake up! Hey! Zein!" Biglang nagmulat ang aking mga mata. Hinihingal ako at parang pagod na pagod. Panaginip lang. Panaginip nanaman... "Aalis na ako, why are you crying? Are you okay? Ano nanaman ba ang nasa panaginip mo? Hindi ka ba sasama sa paghatid sakin?" Tulala pa rin ako at nakasandal ang ulo sa sofa. Hindi ko alam kung paano ko sya mapipigilan sa pag-alis. Paano kung hindi naman yun magkakatotoo. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? "Zein anak, what's wrong with you?" Hinawakan ni Mommy ang pisngi ko at mata lamang ang gumagalaw sa akin. Patuloy na tumutulo ang luha sa mata ko. "Ate!" sigaw naman ni Zyron sa tenga ko at duon lang bumalik ang wisyo ko. Bigla akong tumayo, ang mga mata nila'y nakatuon sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni ate at bigla ko syang niyakap. "Hey! What's happening to you?" nag-aalalang tanong ng ate sa akin. Bumitaw ako sakanya nang mahimasmasan ako. "Hi-hindi ka pwedeng u-umalis ate." "W-what?!" gulat na tugon nito sa akin. Lumapit naman si mommy sa akin. "Why anak? A-Anong nakita mo?" Sanay na sila sa mga panaginip kong nagkakatotoo. Hindi na iyon bago dahil mula bata ako ay ganito na parati ang nangyayari. Naranasan ko na ring matawag na baliw noong nasa elementary pa lang ako at doon namulat ang isip kong hindi normal ang mga nakikita ko. "Li-liliyab ang eroplano. Kailangan nating pumunta ron, sasabihin natin sakanila ang mangyayari. Ma-maraming mamamatay. Let's go there now!" Tinignan ko ang relo ko sa kamay at 9:30 am na. "Wala ng oras!" Akma na akong tatalikod para tumakbo pero pinigilan ako ni Mommy. Tumingin ako sakanya. "Hindi na aalis ang ate mo," tugon nito sa akin na nakatingin sa aking mga mata. Ngumiti naman ako sakanya dahil sa tiwala nito sa akin. "But, hindi natin pwedeng basta nalang sabihin yang panaginip mo. Hi-hindi sila agad na maniniwala, baka magtaka sila kung bakit alam mo." Patuloy nito. "Kaya nga, that's why ipapaalam natin. Hahayaan nalang ba natin na maraming - argh! No! Let's go there please! Bago pa mahuli ang lahat. Ka-Kahit sabihin na nilang baliw ako!" Nag-aalala na talaga ako at hindi pwedeng mangyari ang nasa panaginip. Nagmamakaawa akong tumingin sakanila pero wala nga ata talaga akong magagawa dahil pareho silang umiling sa akin. Si Zyron naman ay naka-kunot ang noo na nakatingin sa akin. "Zein, we c-can't do that. Hindi sila maniniwala sayo. Baka, 'yun talaga ang mangyayari. Hindi natin kayang pigilan 'yun ng ganun kadali. May sarili tayong eroplano at doon nalang ako sasakay kung sakali," Kumunot ang noo kong nakatingin kay ate. Hindi ako makapaniwalang hahayaan nilang mawala ang mga taong sakay ng eroplanong 'yon! "Paano sila? Ate, mommy? Hahayaan nalang natin? Paano ang pamilya ng mga masasawi?" Nang gilid na ang luha sa mga mata ko at hindi ko na mapigilan pa ang pagtulo non. Napa-upo ako sa sofa at napatulala. Nang hihina ang tuhod ko at nanginginig ang mga kamay ko. Umupo si ate sa tabi ko at si mommy ay umupo naman sa harap ko. Pinunasan nito ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. "Hindi sapat ang panaginip para maging ebidensya anak. Baka kaya ganun ay dahil para mailigtas mo si ate mo, pero malabo na ang sinasabi mong pigilan ang paglayag ng eroplano." Hindi na ako maka-imik. Kapag nagpumilit ako ay baka akalain ng mga tao na baliw ako at hindi nila ako paniniwalaan. Aware ako dun. Baka ikapahamak ko at naming pamilya kung nagpupumilit pa ako. Masakit sa damdamin na wala manlang akong magawa. Alam kong malabo na paniwalaan ako ng ibang tao dahil sa isang panaginip lang kaya nangingibabaw ang kalungkutan sa aking puso dahil nakita ko na ang mangyayari bago pa lamang maganap. Napatingin kami sa balita at tumulo nalang ang mga luha ko saka tumakbo papuntang kwarto dahil nangyari na nga ang hindi inaasahang pangyayari. Nagsara ako ng pinto, pilit na pinipigilang saktan ang sarili ko gaya ng dating nakasanayan ko. Yakap ko ang aking mga tuhod at duon nag-iiyak. Sobrang sakit at hindi ko mapigilan kung bakit may ganitong nangyayari sa buhay ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili, para saan pa ang ganitong kakayahan kung hindi ko naman magawan ng paraan para mabago ang magaganap palang? Isa ba itong sumpa? Pilit kong kinokontrol ang aking sarili dahil gustong-gusto ko ng saktan ang katawan ko at nang makakalma ako ay ipinagdasal ko ang mga taong nasawi at mga nadamay sa insidente. Sorry. Patawarin nyo ako. Patawarin mo ako Panginoon, wala akong magawa. Hindi ko pa alam kung paano.
good
13/01
0View All